Filtered By: Topstories
News

Pabor ka bang iurong ang pasukan ng klase sa Setyembre para makaiwas sa panahon ng tag-ulan?


Sa halip na simulan ang pasukan ng klase tuwing sa Hunyo, iminungkahi ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla na gawin na itong Setyembre upang makaiwas sa panahon ng tag-ulan.

Sa inihaing panukalang batas ni Mercado-Revilla, sinabi nito na mailalayo sa disgrasya ang mga guro, mag-aaral at kanilang guardian kung iiwasan ang panahon ng tag-ulan na nagreresulta naman sa matinding pagbaha sa mga lansangan.

“Changing of the school calendar will help lessen the dangers posed to their health like respiratory diseases, dengue fever and leptospirosis, especially when classes are abruptly suspended or cancelled because of the rains and floods that threaten the safety of these individuals,” paliwanag ng kongresistang maybahay ni Sen. Bong Revilla Jr.

Basahin: No classes in some schools in NCR, parts of Luzon on Tuesday due to rain and floods

Batay na rin umano sa ibinigay na impormasyon ng PAGASA,  sinabi ni Mercado-Revilla na 19 hanggang 20 bagyo ang bumibisita sa bansa bawat taon mula sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.

“For the past years, the torrential rains and heavy floods have often disrupted classes in all levels resulting in the suspension and irregularity of school days,” paliwanag niya.

“As much as 25 to 30 days are subtracted from the school calendar, as recorded in the previous years,” patuloy ng mambabatas.

Basahin: DepEd warns vs tweeting disinformation about floods, class suspensions

Ayon pa kay Mercado-Revilla, tanging ang Pilipinas lang at Brunei ang mga bansa sa Asia-Pacific region na nagbubukas ng klase sa Hunyo.

Aniya,  ang Malaysia at Singapore ay nagbubukas ng klase sa Enero, habang sa Pebrero naman ang China, at Marso ang South Korea.

Ang Japan at India ay nagbubukas umano ng klase sa Abril, habang sa Mayo naman ang Thailand, Hulyo ang Indonesia at Setyembre ang Hong Kong. -- RP/FRJ, GMA News