Kris Aquino, rehistradong botante na sa QC

August 02, 2015 - 02:10 PM

Mula sa bandera.inquirer.net

Dumating ang TV host-actress na si Kris Aquino sa Quezon City Hall ngayong araw para magparehistro bilang botante sa lungsod.

Ito ay matapos lumipat ang aktres sa panibagong tirahan nito sa lungsod ng Quezon noong nakaraang taon.

Bagamat mahigit isang taon nang nakatira si Kris sa Brgy. Bagumbayan, rehistradong botante pa rin siya sa lungsod ng Makati.

Samantala, nang tanungin ang aktres kaugnay sa pagtakbo sa 2016 elections, iginiit nito na wala siyang balak na tumakbo para sa anumang posisyon dahil maituturing itong paglabag sa kanyang mga endorsement contracts.

Pabiro naman sinabi ni Kris na kailangan muna siyang kumbinsihin si Mayor Herbert Bautista bago niya ito iboto sa darating na halalan./ Mariel Cruz

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.