Raptors panalo sa Game 6, naungusan ang Bucks….

Estimated read time 1 min read

 

MILWAUKEE – sa pamamagitan ng come-from-behind win naungusan ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks at naitala ang 4-2 win sa first round ng NBA playoffs.

 

25 points na ang kalamangan ng Bucks subalit nagawa itong mahabol ng Raptors sa Game 6 sa score na 92-89.

 

Ang kagandahan nito ay pasok na sa second round ang Raptors at haharapin sa Game 1 sa Martes ang NBA defending champion na Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference semifinals series.

 

Si DeMar DeRozan ang nanguna sa opensa ng Raptors na umiskor ng 32 points at si Cory Joseph ay nagpakitang gilas sa kanyang five points sa 9-0 run sa final 2 minutes. Matagumpay na naharang nito ang pagpipilit ng Milwaukee na maibalik ang renda ng laro.

 

Inamin ni Dwane Casey, coach ng Raptors na nag collapse ang kanyang mga bata mabuti na lamang at matagumpay na nakahanap ng paraan.
.
Nakatulong din sa Raptors ang 19 points ni Khris Middleton.
Ang maliungkot dahil nasayang ang 34 points na diskarte ni Giannis Antetokounmpo na nanguna sa second-half rally para sa Milwaukee.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
April 28, 2017

You May Also Like