PASILYO

fotor_WP_20150925_001_Fotor

 

Isa sa mga naging tradisyon
ko kapag nagbabakasyon ng Pinas
ay yung mag-shopping sa Tutuban
kahit pa noong maliit at kapus
sa kinikitang pera.

Para sa akin wala paring
kupas ang Tutuban lalo
na ang mga tindahan doon
sa Pasilyo Rivera…

Kung itutuos parang
mas at home pa ako
mag-shopping dito kesa
sa MOA sa mga nakaraang
panahon dahil mas malamig
dito di umano…

Dahilan daw nilimitahan
ang mga mall sa 25 degree
ang lamig ngย  aircon
at para wag
matalo ang ibang mga
customer na kumukunsumo
rin ng kuryente.

Dun ko talaga winakasan
ang aking konklusyon na
malaking bagay ang temperatura
ng iyong kinalalagyan patungkol
sa kung ano ang iyong
nararamdaman lalo na kung isa
kang manlilikha or artist…

Hindi madaling makapagtuon
ng konsentrasyon kapag
maalinsangan o nanlilimahid
sa init ang iyong katawan
sa pawis at nababanas ka
sa init. Sa madaling salita
ayaw ko mang ilabas sa bibig
ko ang salitang “mahirap”
eh yun talaga ang nagaganap…

Mahirap makapagsulat
o makalikha ng mga musika
at iba pa kapag pakiramdam
mo pagod na pagod ka na
kaagad sa init.

Talaga nga atang pangangailangan
na ang air-con sa buhay
ng bawat Filipino para
mabuhay ng maayos dahil
hindi talaga maayos ang
araw ko kapag tatawirin
ko ang isang araw ng
walang air-con.

Siguro nga nasanay na
ako sa buhay ko doon sa
Saudi na aircon sa bahay
at opisina pero sa tingin
ko rin ay talaga lang mainit
na rito sa Pinas dahil noon
pa man bago ako mangibang
bansa noong taong 2006
eh tandang-tanda ko na mas
gusto ko pang matulog
sa ibaba ng bahay namin
kesa sa itaas tuwing hapon
dahil mas malamig doon…

Tanda ko rin na kalbo lagi
ako at walang pantaas na
damit dahil sa pakiramdam
ko kapag nagdadamit ako
ay maalinsangan ang pakiramdam.

Kaya nga naman di mo masisi
ang mga Pinoy na pumunta ng
Mall at doon magpalipas ng oras
dahil bukod sa naaliw sila eh
nalalamigan pa at nakakabawas
sa kunsumo ng kanilang kuryente
dahil imbis na sa bahay nila
sila magpalamig ng aircon eh
dun nalang sa mall.

Di ko masabing palipasan
ng oras ang mga mall pwera
nalang kung may lugar talaga
doon na kung saan ay pwede
mong upuan at makipaglaro
ka ng chess etc.

Mas angkop na ituring na
lugar para makapag-ehersisyo…
maglakad-lakad ka lang
sa paligid nito ay di mo
alintana ay ngalay na ang iyong
mga hita, paa at pakiramdam
ko ay medyo umaayos yung
serkulasyon ng dugo sa aking
puso at buong katawan kesa
sa nasa iisang lugar ka lang
na naka-higa at naiinitan.

Sa kahit anung Pasilyo keh
pasilyo sa Tutuban o sa 168
eh masarap maglibot-libot kung
meroon kang dala-dalang pera
para ipang-gastos kung sakaling
may makursunadahan ka dahil
kung babalikan mo pa iyon sa
susunod na buwan eh suwerte kung
madatnan mo ulit iyon. Dahil
nung natatandaan ko dati may
isang set ng Shohoku team
na ibinebenta dati na nagkakahalaga
ng 500 pesos pero pinalagpas
ko at kamalaunan na aking binalikan
eh wala na…

Ramdam na ramdam ko ang
Tondo kapag nasa Tutuban ako
sabihin mo na na medyo cheap
ako pero dito sa mall na ito
ramdam ko ang Tondo na kung
saan ako nakatira partikular
sa Pasilyo Rivera…

 

 

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.